Sunday, March 31, 2013

Luntian

Gaya ng damo o ng anumang halamang walang ganda, ako'y luntiang bulaklak na hindi kapansin-pansin at nilalampasan lang ng iba. Akin itong tinanggap ng ako'y musmos pa? Hindi oh lola hindi, pasensiya ka na. Sapagkat ako may walang matingkad na kulay sa panlabas kong ganda, ganda pa rin itong maituturing at least sa mata ng aking ina.

Bakit ko ba ikahihiya na ako'y luntian gayong batid ko na ang ganda'y panandalian lamang? Choz! Sa tulad kong kinulang sa mapangakit na alindog, tanging matatalinghagang salita ang sandata to make convince my mapanghusgang mga mata. Salamin oh salamin, sabihin sa akin ang nais kong marinig. Ako ba'y sing ganda ng dyosa nila? Sabi ng salamin, "Binibini oh binibini, nagkakamali ka, imulat oh imulat ang iyong mga mata. Sa usaping kagandahan, please lang maghanap ka ng iba. Ako ay nagugulat reflection mo'y natatagalan mo pa." At aking binasag ng kandelabrang dala itong salaming nagmumog ng mababaw na kahulugan ng ganda. Oo na oo na, hindi na nga maganda, kailangan pa bang sambitin na ako'y hopeless na?

Bakit ba sa mundong ibabaw, ang panlabas ang unang pinagbabasihan nila? Ako naman ay may utak at damdaming mas malaki pa sa imahinasiyon nila. Ganda is relative, meron nagsasabi. Sapagkat ito'y nakabase sa taong katabi? Hindi rin hindi rin lalo na't dalawang tulad ko'y pagsamahin. Ano pang gandang lalabas kundi mukha ko rin? Kung wala ang pangit wala rin ang ganda oh kung wala ang ganda, may pangit pa ba?

Kaibigan mag-isip, pamantayan ba'y maaaring i-adlib? Ang hindi maganda sa mata ng iba makukumbinsi mo ba? Bakit ang mga Hobbits ng mapagtagumpayan ang kalaban, sa bandang dulo'y ikinarangal at niluhuran ng sangkatauhan? Gayundin naman hindi ba kapag ang simpleng pangit ay maraming na-achieve?

Kaya nga sumakay ka na lang kapag sinabi ko o ipinilit ko na ako'y may angking ganda. Sapagkat ang aking ganda ay malapit na malapit na at hindi mo pa nakikita. Gaya ng hanging walang kulay o luntiang nagbleblend lang, ganda ko rin ay lalabas maging open-minded ka lang. At ito ang aking buhay, ako man ay nauumay, na ipabatid na ang ganda'y maaaring sa isip ko lamang. Subalit gaya ng luntiang bulaklak na salat man sa matingkad na kulay, ito'y iyong pagmasdan at lalabas din ang tunay na kagandahan.


No comments:

Post a Comment